-- Advertisements --
NAGA CITY – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Canaman, Camarines Sur dakong alas-10:08 ng gabi, Oktubre 14, 2021.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nabatid na naitala ang naturang lindol na may lalim na 7 km at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naramdaman din ang naturang pagyanig sa lungsod ng Naga at mga katabing bayan.
Narito pa ang mga lugar na nakaramdam ng bahagyang pagyanig:
Intensity VI – Pili, Camarines Sur
Intensity V – Sipocot, Camarines Sur
Intensity III – Iriga City
Intensity II – Legazpi City, Albay
Intensity I – Mercedes, Camarines Norte.