-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Albay at ilan pang karatig-lugar dakong alas-5:23 ngayong madaling-araw.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 12 km, northeast ng Rapu-Rapu.

May lalim na 9 km at tectonic in origin.

Naiulat naman ang Instrumental Intensity IV sa Sorsogon City.
Naitala rin ng mga instrumento ang sumusunod na intensity:
Intensity IV – Sorsogon City, Sorsogon
Intensity III- Legazpi City, Albay
Intensity I – Pili, Camarines Sur

Wala namang pinsala at aftershocks na inaasahan matapos ang lindol.