-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Zambales bandang alas-2:27 ngayong Linggo ng hapon.

Ayon sa PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), naitala ang lindol sa layong apat na kilometro sa timogkanluran ng bayan ng Masinloc.

“Tectonic” ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 35 kilometro.

Samantala, naramdaman ang Intensity 2 sa Quezon City at Makati City.

Habang ang tinatawag na instrumental intensities ay naitala naman sa:

Intensity II – Olongapo City, Zambales;

Intensity I – Marikina City; Plaridel, Bulacan; Guagua, Pampanga; Dagupan City, Pangasinan; Gapan City, Nueva Ecija

Walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.