-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Marami-rami ng mga aftershocks ang naitala matapos yanigin ng magnitude 4.6 na lindol kaninang alas-2:04 ng madaling araw ang silangang bahagi ng Burgos, Surigao del Norte.

Base sa earthquake bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), ang lindol na tectonic ang origin ay may lalim lamang na isang kilometro.

Sinundan na itong marami-rami ng mga aftershocks ngunit nilinaw ng PhiVolcs na walang aasahang danyos na maihahatid ito.