Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Tibiao, Antique kaninang umaga, June 29, 2024.
Batay sa inilabas na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro nito sa layong 18 km sa hilagang kanluran ng Tibiao.
Naramdaman naman ang intensity 5 sa naturang bayan, kasama na ang mga bayan ng Culasi at Babaza sa Antique.
Nakapagtala naman ng Intensity 3 sa Malinao, Aklan, intensity 2 sa Pandan, Antique at intensity 1 sa Ibajay, Aklan; Tapaz, Capiz, at San Jose de Buenavista, Antique.
Ayon sa ahensiya, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim itong isang kilometro. Hindi naman nakikitang magdudulot ito ng malalakas na daluyong sa kabila ng naitalang epicenter nito sa karagatan.
Hindi rin inaasahan ang mga malalakas na aftershock kasunod ng lindol.