Naramdaman ang magnitude 4.8 na lindo sa karagatan ng Davao Occidental, ngayong Linggo ng umaga, ayon sa the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na matatagpuan 229 kilometers southeast sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental, at may lalim na 59 kilometers.
Ang nasabing lindol ay hindi naramdaman sa mainland at walang naiulat na damage.
Nagbabala rin ang Phivolcs na may mga inaasahang pang mga aftershocks.
Sabado ng gabi, nakaranas din ng magnitude 4.0 na lindol ang nasabing lugar.
Noong nakaraang linggo, naramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa Davao del Sur at sa iba pang parte ng Mindanao.
Sa ulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 15 katao ang naitala na nasugatan sa Cotabato province, 24 kabahayan ang nasira sa Cotabato at Davao del Sur at may mga naitalang landslide rin.