-- Advertisements --
347877006 604877771603463 1164419198496858464 n

Matapos tumama ang 4.8 magnitude na lindol sa Romblon noong Sabado ng umaga, iniulat ngayong araw ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management office na walang naiulat ang kanilang tanggapan na casualty sa lugar.

Sa isang pahayag,sinabi ni retired Colonel Roseller Muros ng Romblon PDRRMO , sa ngayon ay wala pang opisyal na ulat kung ilan ang tinatayang pinsala sa lugar bagamat ipinagmalaki nito na walang naiulat na casualty.

Nagkaroon naman ng bitak ang tulay sa munisipalidad ng Ferrol at hindi na muna ito pinadaraanan sa ngayon.

Nagpapatuloy rin ang isinasagawang monitoring ng mga kinauukulan sa sitwasyon ng probinsya partikular na sa Odiongan kung saan naitala ang sentro ng lindol.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nangyari ang lindol bandang alas 8:40 ng umaga noong Sabado at ito ay isang uri ng tectonic na paggalaw na mayroong lalim na 4 kilometers. 

Sinabi naman ng PHIVOLCS na asahan ang posibleng damage at mga aftershocks sa lugar.