-- Advertisements --

Binulabog ng magnitude 4.9 na lindol ang ilang bahagi ng Northern Luzon ngayong umaga.

Naitala ito dakong alas-4:51 ng umaga at tectonic ang pinagmulan.

Sa datos na inilabas ng Phivolcs, namataan ang sentro ng pagyanig sa 3 kms hilagang-kanluran ng bayan ng Sigay, Ilocos Sur.

May lalim itong 78 kms, at wala naman umanong inaasahang aftershocks na dulot ng naturang lindol.