Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong araw na naitala nila ang magnitude 5.0 na aftershock na yumanig sa Surigao del Sur.
Ayon sa ahensya, ang naturang pagyanig ay may lalim na 29 kilometro.
Ito ay may kaugnayan pa rin nangyaring magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.
Una rito ay nakapagtala ang Phivolcs ng 4.5-magnitude na aftershock noong Lunes, Enero 15, alas-7:31 ng gabi. ngunit binago ito sa magnitude 5.0.
Samantala, natukoy ng Phivolcs ang epicenter ng Magnitude 5.0 na aftershock 31 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity III sa Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.
Ang mga instrumento nito ay nagtala rin ng Intensity II sa Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur, at Intensity I (scarcely perceptible) sa Lungsod ng Tandag, Surigao del Sur.
Ang naturang pagyanig ay isang tectonic o sanhi ng paggalaw ng isang aktibong fault malapit sa lugar.
Samantala, sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks sa pagyanig.