Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang timog-kanlurang bahagi ng Surallah sa South Cotabato kaninang umaga.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang naturang pagyanig ay naganap bandang alas-3:13 ng kaninang umaga.
May layong 9km sa Timog-Kanluran ng bayan ng Surallah ang sentro ng nasabing lindol, at may lalim na din 9km, habang tectonic naman ang origin nito.
Samantala, naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV- Surallah, Banga, Tampakan, Tupi, T’Boli, at Koronadal City, South Cotabato; Maasim, Alabel, Glan, at Malapatan, Sarangani; General Santos City
Intensity III- Lake Sebu, South Cotabato; Malungon, Sarangani
Intensity II- Maitum, Sarangani
Instrumental Intensities:
Intensity V- Lake Sebu, South Cotabato
Intensity IV – Tupi, Banga, Polomolok, Surallah, and Santo Ñino, South Cotabato; General Santos City; Kiamba at Maasim, Sarangani
Intensity III- Alabel, Malungon, Malapatan, and Maitum, Sarangani
Intensity II- Isulan at Columbio, Sultan Kudarat; Tantangan at Norala, South Cotabato
Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang PHIVOLCS hinggil sa mga posibleng aftershock at pinsalang mangyayari na dulot ng naramdamang may kalakasang pagyanig.