-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mula sa unang naitalang magnitude 5.5 na lindol kaninang alas-5:41 ng umaga na yumanig sa bayan ng Burgos, Surigao del Norte, ibinaba na ito ng Philippine Volcanology and Seismology (PhiVolcs) dakong alas-8:00 ng umaga sa magnitude 5.3

Ang lindol na nasa layong 68-kilometro sa silangang bahagi ng Burgos ay nakapagtala na iilang mga aftershocks at wala namang inaasahang mag-iiwan ito ng danyos.

Ayon sa earthquake bulletin ng Phivolcs, may lalim itong 16 kilometro at tectonic in origin.

Dahil dito naramdaman din ang intensity 4 na pagyanig sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte intensity II naman sa Surigao Cty at Abuyog, Leyte habang intensity 1 naman sa Alangalang, Baybay CIty sa Leyte, at Gingoog City sa Misamis Oriental.