BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Mayor Melchor Demegilio ng walang naitalang major damage sa magnitude 5.3 na lindol na yumanig nitong Huwebes ng alas-6:26 ng gabi sa bayan ng Talacogon, Agusan del Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng mayor na ito’y matapos masuri ng kanilang ipinakalap na mga inspectors ang mga public at private infrastructures matapos ang lindol.
Kanina ay isinagawa ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, ang rapid disaster analysis assessment upang matiyak kung ang iniwang danyos sa nasabing lindol.
Inaasahan na nila ang sunod-sunod na mga aftershocks sabay panawagan sa kanilang mga constituents na mag-antay sa kanilang advisory sa pamamagitan na rin ng kanilang existing na alarm system.