-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Walang inaasahang danyos matapos yanigin ng magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Cortes, Surigao del Sur kaninang alas-4:42 ng madaling araw.
Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs), ang epicenter ay nasa layong walong kilometro sa hilagang bahagi ng nasabing bayan at may lalim na limang kilometro at tectonic in origin.
Malaks din itong naramdaman sa lungsod ng Butuan at mga karatig lalawigan sa Caraga Region.
Habang intensity IV naman ang naramdaman sa Gingoog City sa Misamis Oriental, intensity II sa Cebu City at Borongan City, habang intensity 1 naman sa Cagayan de Oro City.
Inaasahang masusundan pa ito ng mga aftershocks.