Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro kaninang umaga, batay sa ulat ng Phivolcs.
Ang lindol ay naitala kaninang alas-5:59 ng umaga at matatagpuan 10 kilometro northwest sa bayan ng Sablayan.
Ayon sa Philvocs, tectonic ang origin na may lalim na 10 kilometro.
Ilang mga lugar ay nakaranas din ng pagyanig, ito ay ang mga sumusunod:
Intensity III- San Jose, Occidental Mindoro
Intensity II – Batangas City
Intensity I- Mulanay at Mauban, Quezon; Tagaytay City
Asahan na mayruong mga damage at aftershocks sa nangyaring lindol.
Batay sa inisyal na ulat ng Sablayan Disaster Response Officer na may dinding ng isang bahay sa Barangay San Agustin ang gumuho.
Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang damaged assessment ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).