CENTRAL MINDANAO-Sinundan ng sampung aftershocks ang Magnitude 5.6 na lindol na tumama sa Mainland Mindanao dakong alas 8:36 kagabi.
Ang pinakabagong pagyanig ay naitala sa Magnitude 4.8 dakong alas 10:12 ng gabi.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol pitong kilometro mula sa Makilala, North Cotabato.
Ang unang pagyanig na may magnitude na 5.6 ay tumama sa Makilala, North Cotabato kung saan tumakbo ang mga residente palabas ng kanilang bahay at nakaramdam ng sobrang takot.
Ang pagyanig ay naramdaman rin sa Koronadal City,Davao at General Santos City.
Ang mga aftershock ay naramdaman dakong alas 9:08, 9:10, 9:13, 9:31, 9:32, 9:37, 9:41, 9:49, 10:05 kagabi na may average na magnitude 2.2.
Sa inilabas na ulat Phivolcs walang nasaktan sa pagyanig ngunit may mga pinsala sa mga ari-arian sa bayan ng Makilala.
Ang Phivolcs, sa kanyang bulletin, ay nagsabi na walang nasawi na iniulat ngunit ang mga pinsala sa mga ari-arian ay iniulat sa Makilala, North Cotabato.
Nasa ibaba ang naitala na intensidad…
Intensity V – Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Koronadal City; Santa Cruz, Davao Del Sur;
Intensity IV – Davao City; Polomolok, Tupi, Tampakan, Sto. Nino, Tacurong City & Quirino, Sultan Kudarat; Glan, Malungon, Sarangani
Intensity III – General Santos City; Kiamba, Sarangani;
Intensity II – Cotabato City; Nabunturan, Compostela Valley
Instrumental Intensities: Intensity V – Kidapawan City.