Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Taiwan kaninang alas-6:21 ng umaga, Sept. 26,2021 batay sa ulat ng Central Weather Bureau (CWB).
Ang epicenter ng lindol ay 37.1 kilometers north-northeast ng Hualien County Hall at may focal depth na 45.0 km.
“Taiwan uses an intensity scale of 1 to 7 that gauges the degree to which a quake is felt at a specific location,” ayon sa CWB.
Batay sa ulat, intensity 4 ang naranasan sa Hualien County, Yilan County, at Hsinchu County.
Intensity 3 naman sa Taichung City, Nantou County, Taoyuan City, New Taipei City, Miaoli County, Taipei City, Chiayi County, at Yunlin County.
Habang level 2 intensity naman ang naramdaman sa Hsinchu City, Keelung City, Taitung County, Changhua County, Chiayi City, Tainan City, at Kaohsiung City.
Nakaramdam din ng intensity 1 na pagyanig sa Penghu County at Pingtung County.
Walang naiulat na nasugatan o damage sa nasabing pagyanig at patuloy pa itong ina-alam ng Taiwan government. (Taiwan News)