Tumama ang isang magnitude 5.7 na lindol sa lungsod ng Tarlac sa lalawigan ng Tarlac dakong alas 5.58 ng umaga kanina.
Batay sa datos na inilabas ng PHIVOLCS, ang sentro nito ay matatagpuan sa layong 3km hilagang silangan ng nasabing lugar.
Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng naturang pagyanig.
Naitala naman ang Instrumental Intensities:
Intensity III- Bani, PANGASINAN;
Intensity II- Santa Ignacia and Ramos, TARLAC; CITY OF DAGUPAN; Masinloc and Botolan, Zambales; City of Olongapo; Bontoc, MOUNTAIN PROVINCE; City of Vigan, ILOCOS SUR.
Intensity I- City of Tarlac and Bamban, TARLAC; Guagua, PAMPANGA; Abucay and Dinalupihan, BATAAN; City of Urdaneta, PANGASINAN; Nampicuan, NUEVA ECIJA; Santol, LA UNION; Bustos, BULACAN; Pasuquin, Ilocos Norte; at
City of Navotas.
Kinumpirma naman ng PHIVOLCS na posible pa rin ang mga aftershocks. Habang wala naman itong naitalang pinsala dahil sa pagyanig.