-- Advertisements --

(Update) BUTUAN CITY – Niyanig ng 5.8 magnitude na lindol kaninang ala-1:32 ng madaling araw ang bayan ng Bayabas sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ang lindol na tectonic in origin ay may layong 14-kilometros sa hilagang bahagi ng naturang bayan at may lalim na 65-kilometros.

Dahil dito naramdaman ang intensity 4 sa naturang bayan pati na sa Bislig City, Tandag City, sa mga bayan ng Cagwait, at Hinatuan sa naturang lalawigan at sa lungsod ng Butuan.

Narito ang iba pang intensities ayon na rin sa Phivolcs:

Intensity III – Surigao City
Intensity III – Bislig, Surigao del Sur; Gingoog City, Misamis Oriental
Intensity II – Surigao City; Cagayan de Oro City;
Intensity I – Kidapawan City; Malungon and Alabel, Sarangani; Palo, Leyte; Koronadal City; Tupi, South Cotabato

Samantala, sa abiso pa ng Phivolcs asahan na rin daw ang mga aftershocks.