-- Advertisements --
Pumalo na sa 300 sugatan at 5 katao ang namatay matapos yanigin ng magnitude 5.9 na lindol sa Hilagang-Kanluran ng Iran ngayong araw.
Kasalukuyang nagbibigay ng tulong ngayon sa mga nasalanta ang emergency and evaluation team pati na rin ang Red Crescent teams.
Tumama ang lindol bandang 2:00 ng umaga sa probinsya ng Azerbaijan. Umabot naman sa 50 aftershocks ang naitala ng mga otoridad.
Nagtamo rin ng malaking pinsala ang mga gusali sa naturang lugar.
Base sa initial report na inilabas, tatlong maliliit na baryo ang nasira rin dahil sa malakas na lindol.
Isang major fault line ang matatagpuan sa pagitan ng Arabian at Eurasian plates.
Noong 2018, niyanig din ng malakas na lindol ang Iran-Iraq boarder kung saan 361 katao ang naitalang patay.