-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang aasahang tsunami at malakas na aftershock ang mga residente ng Catanduanes matapos maitala ang magnitude-5 na lindol nitong umaga sa bayan ng Panganiban.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Phivolcs director Dr. Renato Solidum na sakop ng Philippine trench ang naturang bayan.

Bagamat malakas daw ang naitalang pagyanig, natukoy ang origin nito sa ilalim ng dagat.

Ayon kay Solidum, hindi sapat ang lakas ng lindol para makalikha ng pinsala,

Kaugnay nito, nag-deploy na ng team ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) para silipin ang mga posibleng crack at damage sa mga residente at imprastuktura sa niyanig na bayan.