Muling niyanig ng lindol ang Mindanao nitong alas-2:07 ng hapon batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol sa bayan ng Makilala, Cotabato.
Naramdaman ang Intensity V sa Magsaysay, Davao del Sur habang Intensity IV sa Pikit, Cotabato; at Bansalan, Davao del Sur.
Nitong nakalipas na dalawang araw mistulang na-trauma na ang mga residente sa Makilala dahil sa panaka-nakang aftershocks na nararanasan.
Kanina namang alas-10:33 ng umaga naranasan din ang magnitude 5.50 quake na ang sentro naman ay ang Sarangani.
May lalim ito na 33 kilometers, tectonic ang origin at natukoy ito sa 334 kilometers southeast ng Sarangani.
Kahapon ay tumama ang 6.5 magnitude na ang sentro ay sa Tulunan, North Cotabato.