-- Advertisements --
Tinamaan ng magnitude 6.1 na lindol ang Chiba Prefecture sa northwestern Japan.
Ayon sa Meteorological Agency ng Japan na may lalim ang lindol na 80 kilometers at ito ay naramdaman hanggang sa Tokyo.
Naganap ang lindol pasado alas- 9 ng gabi ng Huwebes oras sa Pilipinas.
Kuwento ng ilang mga residente na sobrang lakas ang nasabing lindol.
Itinigil pansamantala ang operasyon ng train dahil sa lindol.
Inaalam din ng mga otoridad kung may mga napinsalang gusali sa nasabing lindol