GENERAL SANTOS CITY – Magdamag na nagbantay ang mga residente sa baybayin ng Maasim, Sarangani Province at mga kalapit na lugar, bunsod ng posibleng paglaki ng alon matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol pasado alas-11:00 ng gabi.
Ayon kay Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Rene Punzalan, tinitingnan na kung nagdulot ng pinsala ang lindol na ang epicenter ay nasa 46 kilometers sa timogsilangan ng Maasim .
Umaasa naman ito na walang napinsalang mga bahay sa bayan dahil mabababa lang ang mga gusali maliban na lamang sa munisipyo sa lugar.
Nabatid na naramdaman din ang Intensity 5 sa Maasim, Glan at Malapatan sa Saranggani; gayundin sa Tupi, South Cotabato, General Santos City; Palimbang sa Sultan Kudarat.
Intensit 4 naman ang naramdaman sa Jose Abad Santos, Malita at Saranggani, Davao Occidental, Koronadal City.
Intensity 3 sa Davao City, Maco at Mawab, Davao de Oro.