-- Advertisements --
Niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang Timog bahagi ng Japan ngunit sinigurado naman ng mga otoridad na walang banta ng tsunami sa bansa at wala rin namang malaking pinsala na dulot ng paglindol.
Ganap na 8:48 ng umaga nangyari ang pagyanig na tinatalang may lalim na 20 kilometro.
Natagpuan naman ang episentro ng lindo sa Miyazaki.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, naramdaman din ang paggalaw ng lupa sa Timog-Kanlurang bahagi ng Kyushu Island.
Kaagad naman itong nasundan ng isa pang lindol na may lakas na 5.1 magnitude bandang 9:07 ng umaga sa parehong lugar.
Noong Marso 11, 2011 nang tumama ang 9.0 magnitude na lindo sa ilalim ng Pacific Ocean na nagdulot ng tsunami at naging sanhi ng pagkamatay ng halos 10,000 katao.