DAVAO CITY -Niyanig ng malakas na lindol ang Davao region alas 4:14 ngayong hapon.
Ayon sa Phivolcs naramdaman ang sentro ng pagyanig sa bayan ng munisipalidad ng Saranggani, Davao Occidental na may lakas na 6.9 magnitude.
May lalim ang pagyanig na 010 km at may layong 30km sa kanluran ng Saranggani, Davao Occidental.
Dahil sa pagyanig patuloy ngayon ang ginagawang assessment ng kinaukulang ahensya, lalo na dito sa lungsod ng Davao dahil mayroong natalang damyos sa mga istruktura, imprastraktura at natalang nasawi dahil natabunan umano ng natumbang pader.
Mabuti naman at nagkataon na walang pasok ngayon dahil sa kalagayan ng panahon dito sa lungsod ng Davao.
Wala namang tsunami warning sa nagyaring pagyanig.
Location = 05.37°N, 125.15°E – 030 km S 81° W of Sarangani (Davao Occidental)
Reported Intensities:
Instrumental Intensities:
Intensity VIII – Glan, SARANGANI; General Santos City, SOUTH COTABATO
Intensity V – Matanao, DAVAO DEL SUR; Maasim, Malapatan, SARANGANI; Lake Sebu, Tampakan, Polomolok, Banga, SOUTH COTABATO
Intensity IV – Kidapawan City, COTABATO; Magsaysay, Davao City, DAVAO DEL SUR; Don Marcelino, Jose Abad Santos, DAVAO OCCIDENTAL; Kiamba, Maitum, SARANGANI; Norala, Tantangan, SOUTH COTABATO; President Quirino, Lebak, Isulan, Esperanza, Columbio, Kalamansig, SULTAN KUDARAT