BOMBO DAGUPAN – Maikokonsiderang isa sa pinakamalakas na lindol sa Japan ang magnitude 6 na lindol na tumama sa west coast ng Shikoku Island.
Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, bagamat malakas ay wala namang itinaas na banta tsunami alert
Saad nito na agad na tinutukan ang mga water pipe, poste ng mga kuryente at ang nuclear power plant nila nasa Shikoku Island, ngunit wala namang nakitang pinsala dito.
Isang 70 anyos na matanda ang dinala sa ospital matapos matumba bukod dito ay wala ng naitalang mga nasaktan sa lindol.
Dahil madalas ang lindol sa nasabing bansa lagi ng may nakahandang evacuation areas sa mga posibleng maaapektuhan.
Naitala sa magnitude 6 ang lindol sa Ehime Prefecture sa bayan ng Ainan at ng Kochi Prefecture sa lungsd ng Sukumo.
Naitala naman ang sentro ng lindol sa Bungo Channel, isang straight na naghihiwalay sa mga isla ng Kyushu at Shikoku.