BUTUAN CITY- Itinaas na sa magnitude 7.4 na ang Lindol na tumama sa lungod ng Hinatuan Surigao Del Sur bandang alas 10:37 kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naranasan ang Intensity 5 sa mga lugar tulad ng Bislig City, Surigao del Sur gayundin sa Cabadbaran City.
Agad din naman na naglabas ng Tsunami Advisory ang nasabing ahensya para sa mga lugar sa may baybayin ng Surigao del Sur gayundin sa Davao Oriental, inabisuhan din ang mga sasakyang pandagat na huwag nang magpalaot pa. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang lugar sa labas ng Carga Region, kabilang na ang mga lugar sa Leyte, Misamis Occidental, Bayugan City, Bukidnon at Cagayan De Oro City. Kaugnay nito ay patuloy pang nakararanas ng aftershocks ang lungsod ng matapos ang nasabing lindol.
Ayon naman sa City Disaster Risk Reduction and Management Office sa lungsod ng Butuan ay patuloy pa nilang inaalam ang kabuoang pinsala sa nasabing Lindol, kabilang sa mga unang naitalang pinsala ay ang pagguho ng ilang bahagi ng isang mall nitong lungsod, gayundin ay ang pag-usok sa loob ng Ospital ng MJ Santos, na syang dahilan naman para magsilabasan ang mga pasyente nito.
Ayon sa ilang mga kasamahan ng mga pasyente na nasa labas na nagbabantay sa kanilang mga maysakit, hindi nila mawari ang kaba nang tumama ang nasabing lindol. Mabilis namang nailipat ng pamunuan ng ospital ang mga pasyente, na pansamantalang nagpapahinga muna sa labas ng Ospital.