DAVAO CITY – Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Davao Occidental kaninang alas-2:06 ng hapon.
Ayon sa PHILVOLCS, naitala ang sentro ng lindol 352km silangan ng Saranggani Davao Occidental malapit sa bansang Indonesia.
Mayroong 64km na lalim ang nasabing lindol at tectonic ang origin nito.
Naranasan naman ang intensity II sa Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba, Saranggani; General Santos City, Tupi, Sto. Nino, Koronadal City at T’boli ng South Cotabato.
Habang Intensity I ang naranasan sa Kidapawan City, Cotabato; Maitum at Maasin, Saranggani; Tangtangan, Lake Sebu, Tampakan, Surallah at Norala, South Cotabato, at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Sa kasalukuyan, patuloy pang minomonitor ng ahensya ang nasabing lindol ngunit pinangangambahang may maitatalang mga damyos at inaasahan rin ang mga aftershocks.