Niyanig ng malakas ang kabisera ng Tokyo matapos na tamaan ng magnitude 7.3 na lindol ang silangang bahagi ng Japan kagabi na nag-udyok naman ng tsunami advisory para sa ilang bahagi ng northeast coast ng bansa.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, sa baybayin ng Fukushima region nakasentro ang lindol na may lalim na 60 kilomentro.
Ilang sandali lamang matapos tumama ang lindol bandang 11:36 pm kagabi ay naglabas ang ahesya ng advisory matapos mamataan ang mga alon na may sukat na isang metro sa ilang bahagi ng naturang baybayin.
Samantala, wala naman naiulat ang mga kinauukulan na mga napinsala o nasaktan sa naturang pangyayari.
Ngunit ayon naman sa inilabas na pahayag ng electricity provider na TEPCO, nasa mahigit dalawang milyong kabahayan ang iniwang nawalan ng kuryente ng naturang lindol, kabilang na ang nasa 700,000 na kabahayan sa Tokyo.
Sinabi rin nito na kasalukuyan nanag sinusuri ang mga operasyon sa Fukushima nuclear plant na una nanag natunaw 11 taon na ang nakakaraan matapos itong yanigin ng 9.0 magnitude na lindol at tamaan ng tsunami ang eastern coast nito noong Marso 11, 2011.