Naitala ang magnitude 7.6 na lindol ang yumanig sa Caribbean Sea noong Sabado ng gabi oras sa Amerika.
Sa layong 130 miles o 209 kilometro mula sa baybayin ng Cayman Islands natagpuan ang sentro nito, na nagresulta ng paglabas ng mga babala sa posibleng tsunami.
Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, posibleng makaranas ng mataas na mga alon dulot ng tsunami ang mga lugar sa loob ng 620 miles mula sa epicenter ng lindol, kabilang ang mga bansa sa Cayman Islands, Jamaica, Cuba, Mexico, Honduras, Bahamas, Belize, Haiti, Costa Rica, Panama, Nicaragua, at Guatemala.
Sinabi naman ng US Geological Survey, na ang lindol ay tumama sa ”shallow depth” ng karagatan.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon at nagbigay ng babala sa mga residenteng apektado ang lugar na manatiling alerto para sa mga posibleng banta ng tsunami.