-- Advertisements --
LIMA, Peru – Ginambala ng magnitude 7.0 ang timog-silangang bahagi ng bansang Peru nitong Biyernes.
Batay sa datos mula sa US Geological Survey (USGS), naitala ito dakong alas-8:50 ng umaga (GMT) sa layong 27 kms hilagang-silangan ng bayan ng Azangaro.
Mayroon itong lalim na 257 kms kung saan ayon sa ahensya, kadalasan umano sa mga malalakas na lindol sa South America ay mayroong lalim na 70 kms o mahigit pa.
Sinabi naman ng National Emergency Operations Center, walang naitalang ulat tungkol sa mga injuries o pinsala dahil sa naturang insidente.
“At the moment, some rocks have been reported falling onto roads, but without any damage to persons or material damage,” anang ahensya. (Agence France-Presse)