-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umabot sa isang milyong pesos na halaga ng illegal na druga ang nabawi ng mga alagad ng batas sa buy bust operation sa lungsod ng Tagum nitong Lunes.

Una nang nakilala ang mga suspek na sina Michael Duarte, 37 taong gulang, at Catheryn Catamora, 24 na taong gulang, pawang mga residente ng North Eagle 1.

Isang sachet ng pinaniwalaang shabu ang nabili mula sa mga suspek.

Ang nasabing illegal na droga ay nagkakahalaga ng P500 , ngunit nakuha sa bulsa ng suspek ang iba pang labing dalawang mga sachet sa illegal na droga na nagkakahalagan ng isang milyong peso mula sa bulsa ni Duarte.

Ayon kay Bunawan Police Station Commander Police Major Noel Villahermosa na si Catamora ang tumanggap ng pera samantalang si Duarte ang nagbibigay ng shabu.

Dagdag pa kay Villahermosa na magnobyo ang mga suspek na siyang mga supplier ng illegal na druga sa Davao del Norte at lungsod ng Davao.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.