-- Advertisements --
Pinatawan ng P10,000 na multa ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hotshots assitant coach Johnny Abarrientos.
Ito ay matapos na magsenyas ng middle finger kay Converge import Jamal Franklin sa laro nila nitong Linggo.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial na kanilang nakausap ang dating PBA player at pinagsisihan niya ang kaniyang ginawa.
Kahit na nagsisi ay mayroon pa ring karampatan na penalty ito na P10,000.
Pagtitiyak pa nito na hindi na niya uulitin ang insidente.