Buhay pa ang tsansa ng Magnolia Hotshots sa quarterfinals ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos na tambakan nila ang Eastern 107-78 sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.
Nanguna sa panalo ng Magnolia si Ricardo Ratliffe na nagtala ng 25 points, 16 reboundst at pitong assists habang mayroong 29 points, siyam na rebounds si Zavier Lucero.
Mayroon ng limang panalo at anim na talo ang Hotshots habang ang Eastern ay mayroong pitong panalo at apat na talo.
Mula sa simula ay hawak ng Magnolia ang kalamangan at hindi nila pinalamang ang Eastern.
Pinuri naman ni Hotshots coach Chito Victolero sa ipinakitang sipag ng kaniyang mga manlalaro para hindi sila ma-eliminate sa torneo.
Nasayang naman ang nagawang 20 points at 10 rebounds ni Chris McLaughlin ganun din ang 14 points ni Glenn Yang para sa Eastern.