-- Advertisements --
Napagana ng Magnolia Chicken Timplados ang kanilang matinding depensa laban sa Phoenix Super LPG 95-77 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Sinabi ni Hotshots coach Chito Victolero na nakatuon sila sa kanilang depensa.
Malaking hamon din sa nasabing koponan ang laban dahil sa kawalan nina Paul Lee at Jerrick Ahanmisi dahil sa injury at Calvin Abueva na nasuspendi.
Nanguna sa panalo ng Magnolia si Mark Barroca na nagtala ng 21 points, limang rebounds, anim na assists at limang steals habang mayroong 19 points si Aris Dionisio at 15 points , walong rebounds naman ang naitala ni Jio Jalalon.