-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia Hotshots para makapasok sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup matapos na talunin ang Meralco Bolts 81-69.

Napigilan ng Hotshots ang muling pagbangon ng Bolts sa last quarter matapos na mahabol ang 18 points lead na 68-50 at napababa ito sa 74-69.

Bumida sa panalo ng Magnolia si Marc Barroca na nagtala ng 17 ponts habang mayroong 17 points at 12 rebounds si Calvin Abueva at 17 points at 11 rebounds din si Ian Sangalang.

Sinabi ni Magnolia head coach Chito Victolero na inaasahan na nila ang pagbangon ng Bolts kaya pinaghandaan nila itong mabuti at hindi na hinayaan na makabangon pa ang Bolts.