-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng Magnolia Hotshots 84-82 laban sa TNT Tropang Giga sa nagpapatuloy na 2024 PBA Governor’s Cup.

Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 29 points, 25 rebounds habang mayroong 19 points at limang recbounds si RR Pogoy sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bagamat panalo ay pinuna pa rin ni TNT coach Chot Reyes ang mahinang free-throws ng kaniyang koponan dahil sa mayroon lamang 11 free throw matapos ang 21 ng 32 mula sa foul line.

Nasayang naman ang nagawang 30 points at 17 rebounds ni Magnolia import Shabazz Muhammad .