-- Advertisements --

Nakuha ng Magnolia HotShots ang unang panalo sa PBA Governors Cup matapos ilampaso nila ang Converge FiberXers 105-93.

Nagtulungan sina Ian Sangalang, Mark Barroca, at import Glenn Robinson III para makuha ang crucial baskets.

Hawak kasi ng Converge ang kalamangan kung saan umabot pa sa 21 points ang lamang nila hanggang hinabol ito ng Magnolia sa last quarter.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na hindi na niya hinayaan pa na magrelaks pa ang ilbang manlalaro sa huling limang minuto kaya ginawa nila ang tamang pressure sa laro.

Nanguna sa panalo ng Hotshots si Robinson na nagtala ng 28 points habang mayroong 14 points si Sangalang.

Nasayang naman ang nagawang 26 points, walong rebounds at limang assists ni Scotty Hopson ng Converge.