-- Advertisements --
Tinambakan ng Magnolia Hotshots ang Meralco Bolts 92-78 para makuha ang 2-0 na kalamangan sa best of seven semifinals sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.
Pinangunahan ni Paul Lee ang Magnolia na nagtala ng 28 points at mayroong 16 points naman ang naitala ni Ian Sangalang.
Naging malaking hamon naman sa Bolts ang laro matapos na ma-eject sa laro si Cliff Hodge ng tawagan ito ng technical at flagrant foul.
Halos hindi makalayo ang Magnolia sa bawat quarter hanggang tuluyan ng makalayo sila sa last quarter ng laro.