-- Advertisements --
Hindi na nawawalan ng pag-asa ang Magnolia Hotshots na makapasok sa playoffs ng PBA Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos na talunin ang Terrafirma Dyip 89-84 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Nanguna sa panalo ang import ng Magnolia na si Ricardo Ratliffe na nagtala ng 32 points at 14 rebounds habang si Zav Lucero ay mayroong 14 points at anim na rebounds.
Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Stanley Pringle at 14 points ni import Brandon Edwards para sa Dyip habang mayroong tatlong puntos lamang ang naitala ni Terrence Romeo na siyang unang laro niya sa Dyip.