-- Advertisements --
Nalusutan ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots ang Barangay Ginebra Gin Kings 89-84 sa paghaharap nila sa 2022 PBA Philippine Cup.
Nagtala ng 24 points si Ian Sangalang habang mayroong 19 points si Jio Jalalon sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Nakaligtas ang Magnolia sa paghahabol ng Ginebra matapos na pababain ni Christian Stanhardinger ang lamang nila 86-84.
Naging hamon din sa Magnolia ng palabasin sa court si Calvin Abueva sa fourth quarter dahil sa unsportmanlike behavior.
Umabot pa sa 14 ang kalamangan ng Magnolia hanggang napababa ito ng Gins.
Mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Hotshots habang mayroong dalawang panalo at isang talo ang Ginebra.










