-- Advertisements --

Nalusutan ng Magnolia Hotshots Timplados ang NorthPort 105-94 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo si Zav Lucero na nagtala ng 16 points at 12 rebounds sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Dahil dito ay mayroon ng tatlong panalo at dalawang talo ang Hotshots at solo nila ang pangatlong puwesto sa Group A.

Inamin ni Hotshots head coach Chito Victolero na nahirapan silang makatiyempo sa second half kayat sinamantala nila ang kawalan ng import ng NorthPort.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at 10 rebounds ni Cade Flores habang mayroong 13 points, tatlong rebounds, tatlong steals naman si Joshua Munzon para sa Batang Pier.