-- Advertisements --

Nananatiling wala pa ring talo ang Magnolia Hot Shots sa 2021 PBA Governors’ Cup.

Nalusutan kasi nila ang NLEX Road Warriors 112-109 para mapanatili ang 5-0 na record.

Naging malaking tulong sa panalo ng Magnolia ang layup shot ni Mike Harris sa huling possesyon ng Magnolia sa natitirang 12.9 seconds.

Hawak pa ng NLEX ang kalamangan 92-81 sa unang bahagi ng last quarter hanggang humabol ang HotShots 11-0 run at naitabla ni Aris Dionisio sa 92-92 ng pumasok ang kaniyang layups.

Nakapagtala ng 31 points at 10 rebounds si Harris habang mayroong 21 points si Paul Lee.

Nasayang naman ang nagawang 35 points, 13 rebounds at anim na blocks ni KJ McDaniels ng RoadWarriors.