-- Advertisements --

Hindi naging sagabal para sa Magnolia Hot Shots ang kawalan nila ng import para talunin ang NorthPort 110-94 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng Hotshots si Aris Dionisio na nagtala ng career high na 30 points sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Mayroon ng limang panalo at apat na talo ang Hotshots para makapasok sa playoffs sa Group A kung saan parehas na sila ng standing ng Converge para sa ikatlong puwesto.

Itinuturing ni Magnolia coach Chito Victolero na mahalaga ang nasabing panalo nila kontra Batang Pier.