-- Advertisements --

Kinailangan pa ng overtime para tuluyang mailampaso ng Magnolia Hotshots Timplados ang NLEX Road Warriors 99-95 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Sinabi n Magnolia head coach Chito Victolero, na hindi sila basta sumuko kaya umabot pa ng OT ang laro.

Dagdag pa nito na kahit na nasa ibaba ang kanilang ranking sa torneo ay hindi pa sila laglag sa labanan kaya ginawa nila ang makakakaya para makontrol ang laro.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Ricardo Ratcliffe na nagtala ng 38 points at 19 rebounds habang mayroong 14 points si Zavier Lucero, 13 points kay Jeron Lastimosa at 12 points kay Mark Barroca.

Hindi naman umubra ang nagawang 28 points, siyam na assistsat limang rebounds ni Robert Bolick para sa NLEX.