-- Advertisements --
Naitala ng Magnolia Hotshots ang ikalawang sunod na panalo sa 2021 PBA Governors’ Cup matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters 109-98.
Mula sa simula ay dominado ng Magnolia ang laro at hindi na nakalamang pa ang Rain or Shine.
Naging bida sa panalo si import Mike Harris na nagtala ng 26 points habang mayroong 18 points si Calvin Abueva.
Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na naging susi sa panalo nila ang matinding depensa at tuluyan nilang nadomina ang laro.