-- Advertisements --

Dinala ng Magnolia Hotshots sa do-or-die Game 5 ang PBA Governors’ Cup quarterfinals nila ng Rain or Shine.

Hindi kasi pinaporma ng Magnolia ang Rain or Shine 129-100 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa unang quarter ay nagtabla pa ang laro sa 26-all hanggang umarangkada ang Hotshots sa at nakuha nila ang kalamangan sa pagtatapos ng first half 62-44.

Nagtala ng 30 points si import Jabari Bird habang 25 points ang nagawang puntos ni Paul Lee.

Hindi naman umubra ang ginawang 22 points at 10 rebounds ni Aaron Fuller habang mayroong 15 ponits si Jhonard Clarito para sa Rain or Shine.