-- Advertisements --
Tinambakan ng Magnolia Hotshots Timplados ang Meralco Bolts 129-92 sa laro na ginanap sa PhilSport Arena sa lungsod ng Pasig.
Dahil sa panalo ay pasok na ang Magnolia sa playoffs ng makuha ang pang-walong puwesto sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Habang ang Bolts ay nasa pang-limang puwesto na kung saan malaking hamon sa kanila dahil sa kawalan ng import na si Akil Mitchell na nagpapagaling sa injury.
Bumida sa panalo ng Magnolia ang import na si Ricardo Ratliffe na nagtala ng 31 points habang mayroong 22 points ang naitala ni Zav Lucero, 18 points naman si Ian Sangalang at 14 points ang naitala ni Calvin Abueva.
Nasayang naman ang naitalang 23 points ni Raymon Almazan at 11 points ni CJ Cansino para sa Bolts.