-- Advertisements --

Tinambakan ng Magnolia Hotshots ang Terrafirma Dyip 125-103 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Nanguna sa panalo ang 26-anyos na guard na Jerrick Ahanmisi na nagtala ng career-high na 24 points, dalawang assists at dalawang steals.

Nakapag-ambag naman si import Glenn Robinson III ng 20 points at 13 rebounds habang si Zavier Lucero ay mayroong 15 points, limang rebounds at tatlong assists.

Dahil dito ay mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo ang Hotshots sa Group A habang ang Dyip ay wala pang panalo sa apat nilang laro.

Naging malaking hamon sa Dyip ang laro dahil sa kawalan nina Juami Tiongson at Kemark Carino bunsod ng kanilang injuries.