-- Advertisements --

Tinambakan ng Magnolia Chicken Timplados ang Rain or Shine 121-69 para sa kanilang ikalawang laro sa quarterfinals ng PBA 49th Season ng Governors’ Cup.

Dahil dito ay naitabla na ng Timplados ang seryes sa 1-1 sa laro na ginanap sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Bumida sa panalo Magnolia si Jabari Bird na mayroong 22 points, 13 rebounds habang mayroong 18 points at 10 rebounds si Calvin Abueva.

Umabot sa 32 points ang kalamangan ng Magnolia sa second quarter kung saan mula sa simula ay hindi na nakalamang pa ang Elasto Painters.

Ito rin ang unang laro ni Bird matapos na palitan niya si Rayvonte Rice dahil sa injury.